Mag-search
Wikang Tagalog
  • English
  • 正體中文
  • 简体中文
  • Deutsch
  • Español
  • Français
  • Magyar
  • 日本語
  • 한국어
  • Монгол хэл
  • Âu Lạc
  • български
  • Bahasa Melayu
  • فارسی
  • Português
  • Română
  • Bahasa Indonesia
  • ไทย
  • العربية
  • Čeština
  • ਪੰਜਾਬੀ
  • Русский
  • తెలుగు లిపి
  • हिन्दी
  • Polski
  • Italiano
  • Wikang Tagalog
  • Українська Мова
  • नेपाली
  • Türkçe
  • Iba pa
  • English
  • 正體中文
  • 简体中文
  • Deutsch
  • Español
  • Français
  • Magyar
  • 日本語
  • 한국어
  • Монгол хэл
  • Âu Lạc
  • български
  • Bahasa Melayu
  • فارسی
  • Português
  • Română
  • Bahasa Indonesia
  • ไทย
  • العربية
  • Čeština
  • ਪੰਜਾਬੀ
  • Русский
  • తెలుగు లిపి
  • हिन्दी
  • Polski
  • Italiano
  • Wikang Tagalog
  • Українська Мова
  • नेपाली
  • Türkçe
  • Iba pa
Title
Transcript

Ang Ating Layunin sa Mundo

“Ang bawat isa sa atin ay pinagkaloobang mabuhay bilang isang tao para lamang sa hangaring makilala ang Diyos. Kung talikuran natin ang tungkuling ito, hindi tayo magiging masaya sa buhay na ito o sa anumang iba pang buhay. Para sabihin ko sa inyo ang totoo, ito lang ang dahilan ng pagdurusa ng tao, at wala nang iba pa. Kung mapagtatanto natin kung paano tayo nahirapan sa sinapupunan ng ating ina, kung paano natin pinagsisihan ang mga pagkakamali sa ating nakaraan na buhay, at kung paano natin ipinangako sa Diyos na gagamitin natin ang kasalukuyang buhay sa isang napaka-makabuluhang paraan upang paglingkuran Siya, bago tayo ipinanganak, hindi tayo magsasayang ng isa o dalawang segundo sa pag-iisip ng anupaman kundi ang subukan ang ating makakaya sa lahat ng libreng oras upang mapagtanto ang Diyos!

 

Ngunit sa sandaling ipinanganak tayo sa mundong ito, nakalimutan natin ang lahat. Sapagkat batas ng materyal na mundo ang hayaan na makalimutang mga tao. Samakatuwid, kinakailangan na ang isang Master ay pumarito at paalalahanan tayo nang paulit-ulit, hanggang sa maalala natin ang ating ipinangako sa Diyos, sa loob ng sinapupunan ng ating ina. Maaaring hindi natin naaalala sa ating pisikal na utak, ngunit ang ating kaluluwa, ang kakayahan ng ating karunungan ay maaalala ito. ”

Meditasyon: Paano Natin Maalala ang Tunay Na Katangian

“Sa tuwing itinutuon natin ang ating buong atensyon, nang nakatutok at buong puso, sa isang bagay, iyon ay meditasyon. Ngayon, nakatuon lang ako sa panloob na Kapangyarihan, sa pagka-maawain, sa pag-ibig, sa maawaing katangian ng Diyos, at iyon ay meditasyon. Upang gawin ito nang opisyal, dapat lamang nating umupo sa isang tahimik na sulok nang mag-isa, iyon ang proseso ng meditasyon. Ngunit hindi sa pamamagitan ng pag-upo sa isang sulok nang tahimik may makakamit ang isang tao. Kailangan mong makipag-ugnay sa panloob na Kapangyarihan na iyon at magnilay gamit ang panloob na Kapangyarihan. Ito ay tinatawag na pagkagising sa Sarili. Dapat nating gisingin ang tunay na Sarili sa loob at hayaang Siyang mag-meditate, hindi ang utak ng tao at ang ating mortal na pag-unawa. Kung hindi, uupo ka at mag-iisip tungkol sa isang libong mga bagay at hindi magagawang mapasuko ang iyong mga kinahihiligan. Ngunit kapag ikaw ay nagising-sa-sarili, ang tunay na panloob na Sarili, ang kapangyarihan ng Diyos sa loob mo, ang siyang kokontrol sa lahat. Malalaman mo lang ang tunay na pagninilay pagkatapos mong magising sa pamamagitan ng transmisyon ng isang tunay na Master. Kung hindi, ito ay isa lang pagsasayang ng oras sa pagkikipagbuno sa iyong katawan at isipan. ”

Ano ang Master at bakit kailangan natin ng isa nito?

“Ang isang Master ay isang may susi para sa iyo upang maging isang Master ... upang matulungan kang mapagtanto na ikaw ay isang Master din at na ikaw at Diyos ay iisa din. Iyon lang ... iyon lang ang tungkulin ng Master.”

 

“Ang mga masters ay ang mga naaalala ang kanilang Pinagmulan at, dahil sa pag-ibig, ibinabahagi ang kaalamang ito sa sinumang naghahanap nito, at hindi kumukuha ng bayad para sa kanilang trabaho. Inihahandog nila ang lahat ng kanilang oras, pananalapi at lakas sa mundo. Kapag naabot natin ang antas na ito ng pagiging Master, hindi lamang natin nalalaman ang ating Pinagmulan, ngunit maaari din nating matulungan ang iba na malaman ang kanilang totoong halaga. Ang mga sumusunod sa direksyon ng isang Master, ay mabilis na makakarating sa isang bagong mundo, puno ng totoong kaalaman, totoong kagandahan at totoong mga kabanalan. ”

Initiation

“Ang initiation ay nangangahulugang ang simula ng isang bagong buhay sa isang bagong kaayusan. Nangangahulugan ito na tinanggap ka ng Master na maging isa sa mga nilalang sa sirkulo ng mga Santo. Sa gayon, hindi ka na ordinaryong nilalang, nakataas ka, tulad ng pag-enrol mo sa unibersidad, hindi ka na isang mag-aaral sa high school. Noong unang panahon, tinawag nila itong binyag o pagsilong sa Master.

 

Ang initiation ay talagang isang salita lamang para sa pagbubukas ng espiritu. Kita mo, tayo punong-puno ng maraming uri ng mga hadlang, mga hindi nakikita pati na rin nakikita, kaya ang tinaguriang initiation ay ang proseso ng pagbubukas ng gate ng karunungan at hayaan itong dumaloy sa mundong ito, upang pagpalain ang mundo, pati na rin ang tinaguriang Sarili. Ngunit ang totoong Sarili ay palaging nasa kaluwalhatian at karunungan, kaya't hindi na kailangan ng pagpapala para doon.”

Ang Quan Yin Method - pagninilay sa Panloob na Liwanag at Panloob naTunog.

Ang Panloob na Liwanag, ang Liwanag ng Diyos, ay ang parehong Liwanag na tinukoy sa salitang "kaliwanagan". Ang Panloob na Tunog, ay ang Salitang tinukoy sa Bibliya: "Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay ang Diyos." Sa pamamagitan ng panloob na Liwanag at Tunog makikilala natin ang Diyos.

 

“Kaya ngayon, kung maaari tayong makipag-ugnay sa Daloy ng Salita o Tunog na ito, maaari nating malaman kung nasaan ang Diyos, o maaari tayong makipag-ugnay sa Diyos. Ngunit ano ang katibayan na nakikipag-ugnay tayo sa Salita na ito? Pagkatapos nating makipag-ugnay sa panloob na Vibration, ang ating buhay ay nagbabago para sa mas mahusay. Alam natin ang maraming bagay na hindi pa natin alam dati. Marami tayong naiintindihan na mga bagay na hindi pa natin naisip noon. Nakakaya natin, magagawa natin ang maraming bagay na hindi natin pinangarap dati. Lumalakas tayo nang lumalakas, hanggang sa tayo’y maging makapangyarihan sa lahat. Ang ating pagkatao ay nagkakaroon ng higit na kakayahan at higit na lumaki hanggang tayo ay bawat lugar, hanggang sa tayo ay nasa lahat ng dako, at pagkatapos ay alam natin na tayo ay naging isang kasama ng Diyos.”

Ang Limang Panuntunan

Si Master Ching Hai ay tinatanggap ang mga tao mula sa lahat ng pinagmulan at mga relihiyon para sa initiation. Hindi mo kailangang baguhin ang kasalukuyan mong relihiyon o sistema ng mga paniniwala. Hindi ka hihilingin na sumali sa anumang samahan, o lumahok sa anumang paraan na hindi angkop sa iyong kasalukuyang istilo ng buhay. Gayunpaman, hihilingin sa iyo na maging vegan. Ang isang habang-buhay na pangako sa pagkain ng vegan ay isang mahalagang paunang kinakailangan para sa pagtanggap ng initiation.

 

Ang initiation ay inihahandog nang walang bayad. Ang araw-araw na pagsasanay ng Quan Yin Method ng meditasyon, at ang pagsunod sa Limang Panuntunan ay ang iyong tanging mga kinakailangan pagkatapos ng initiation. Ang Mga Panuntunan ay mga patnubay na makakatulong sa iyo upang hindi makapinsala sa iyong sarili o sa anumang iba pang nabubuhay na nilalang.

 

  • Pigilin ang sarili mula sa pananakit sa anumang nilikhang may buhay. Ang panuntunang ito ay nangangailangan ng mahigpit na pagsunod sa vegan diet. Walang karne, isda, gatas, itlog o kahit na anumang anyo ng produktong mula sa hayop.
  • Pigilin ang sarili mula sa pagsasalita ng hindi totoo.
  • Pigilin ang sarili mula sa pagkuha ng hindi nya pag-aari.
  • Pigilin ang sarili mula sa pakikiapid.
  • Pigilin ang sarili mula sa pag-inom ng mga inuming nakalalasing. Kasama dito ang pag-iwas sa lahat ng nakalalason, gaya ng alcohol, droga, tabako, sugal, malaswang babasahin at panoorin, at mga labis na bayolinteng pelikula o literatura.

 

* Kasama rin dito ang 2.5 oras bawat araw na meditasyon sa panloob na Liwanag at Tunog.

 

Ang mga kasanayan na ito ay magpapalalim at magpapalakas ng iyong paunang karanasan sa kaliwanagan, at tutulungan kang makamit sa kalaunan ang pinakamataas na antas ng Pagkamulat o Buddhahood ng iyong sarili. Kung walang pang-araw-araw na pagsasanay, tiyak na makakalimutan mo ang iyong kaliwanagan at babalik ka sa mas mababang antas ng kamalayan.

A Living Master – The Life and Teachings of Supreme Master Ching Hai (vegan)

Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga turo ni Supreme Master Ching Hai, inaanyayahan kang manuod at magbasa ng mga resources sa mga sumusunod na website nang libre.

Paano kami Kontakin

Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa pagtanggap ng initiation mula kay Supreme Master Ching Hai patungo sa pamamaraang Quan Yin, mangyaring makipag-ugnay sa isa sa aming mga Meditation Center na malapit sa iyo mula sa sumusunod na listahan.
Susunod
App
I-scan and QR code, o piliin ang akmang sistema ng phone para sap pag-download
iPhone
Android
Ibahagi
Ibahagi Sa
I-embed
Oras ng umpisa
I-download